Pinoy Longing Love Songs: Valentine Special


Sa pagpapatuloy ng aking mga espesyal na artikulo para sa buwan ng puso, aking ihahandog naman ang mga kantang isinasadula ang matiisin ngunit marubdob na paghihintay ng mga kababaihan na sila'y mapansin man lang ng kanilang napupusuang binata. Sa ganang akin, masasabi kong sa espesyal na ito, ito ang lingo ko, pati na rin ng mga babaeng katulad ko.



Ang tradisyonal na panliligaw ay nagsisimula sa tuksuhan. Ito ay isang paraan kung saan ang isa o masmarami pang kaibigan ng magkabilang panig ay ipag-uugnay ang dalawa. Sa kadahilanang likas na mahiyain ang isang lalaki, sa paraang ito malalaman niya ng hindi deretsahan kung mayroong pagtingin din ang babaeng sinisinta o wala. Kung hindi papansinin ng babae ang pannukso, titigil na ito at hihinto na ang lalaki sa panunuyo. Kung maganda ang pakikitungo ng babae sa lalaki at hindi nagagalit sa mga nanunukso, senyales ito na maaari nang ligawan ng lalaki ang babae ng siryosohan.


 


 


 Ejh paano kung hintay ka ng hintay pero di ka naman pinapansin, wala naman nanunukso sa inyo o may iba na iyong lalaking iyon? Ang mga sumusunod ang mga awitin na para sa iyo.


 


Pebrero 7, 2010 (Linggo): Sexbomb Girls feat. Gloc 9 - Baile



Ang mga kababaihan ngayon kumpara noon ay may pagka-agresibo na. Kung ayaw ng lalaki simulan, sila na ang gagawa ng paraan. Isang bagay lang nga ang kahit kailan hindi magbabago. Iyon ay ang pagkagusto ng isang babae na siya'y tuluyang mapa-ibig ng isang lalaki, at maging parte ng mundong kanyang ginagalawan.


 


Gloc 9:


Kanina pa kita pinagmamasdan


Bawat galaw sa saliw ng awit tinitignan


Ang bewang mong gumigiling aking sinusundan


Kahi sa'n man makarating aking sasabayan


Rochelle:


Bakit di ka lumapit sa akin at hawakan mo


Aking kamay huwag mahiya sige subukan mo


Maging ang lalake na siyang pinapangarap ko


Mayakap at makasayaw sa'n pa ba hahantong...tara!


Chorus:


Baile...baile...baile...baile


Tayong dalawa walang ibang kasali


Baile...baile...baile...baile


Ito'y walang katapusan, walang finale


Wag na wag kang ma-diya-diyahe


Feel ko ang mabilis at barakong lalake


Wag ka nang mag-iinarte


Sayang ang iyong gandang lalake


Sige na...


Gloc 9:


Kahit patay sindi ang ilaw hindi kukurap...(ha?)


Basta't ikaw ang aking kapareha kaharap...


Rochelle:


Ang iyong mga mata na para bang nang-uusap


Sinasabing kay tagal mo nang naghahanap


Gloc 9:


Ng isang babae na walang iba kundi ikaw (Aha!)


Pag kumembot ay hindi sunog hindi hilaw


Rochelle:


Damhin ang agos ng init wag na wag kang bibitaw


Ang nais ko ay pagsaluhan natin ang sayaw...halika!!!


Repeat Chorus


Gloc 9:


Kanina pa kita pinagmamasdan


Bawat galaw sa saliw ng awit tinitignan


Ang bewang mong gumigiling aking sinusundan


Kahi sa'n man makarating aking sasabayan


Rochelle:


Bakit di ka lumapit sa akin at hawakan mo


Aking kamay huwag mahiya sige subukan mo


Maging ang lalake na siyang pinapangarap ko


Mayakap at makasayaw sa'n pa ba hahantong...tara!


 


Pebrero 8, 2010 (Lunes): Pop Girls - Text Me



Hay, sa modernong panahon ngayon ano ba naman ang isang text na manggagaling sa lalaking iyon?


 


Hello, naka-unlimited ako


Gusto sana maka-usap ka ngayon


Naka-on ang ringer ko so boy


Pick up your phone I miss you


Maghihintay ako


Chorus:


So text me up, text me up, kahit anong oras babe


Text me up, text me up, araw man o gabi


Text me up, text me up kahit anong oras babe


Text me on the phone boy when you're all alone boy


Just text me up text me up woh oh oh


Text me up text me up woh oh oh


Text me up text me up woh oh oh


Text me on the phone boy when you're all alone boy


Hello, may naghihintay sa iyo


Kailangan ko ba magpasa-load


Naka-on ang ringer ko so boy


Pick up your phone I miss you


Maghihintay ako


Repeat Chorus


Just text me on the phone cuz I got you on the brain


Can't stop thinking about you boy it's driving me insane


I love the way a text from you can brighten up my day


You put a smile on my face with the silly things you say, c'mon and


Repeat Chorus


 


Pebrero 9, 2010 (Martes): Donna Cruz - Isang Tanong, Isang Sagot



"Hay, ano ba talaga kuya? Mag-ano ba tayo?" Iyan ang nakakainis na tanong na paulit-ulit sa isipan ng kahit sinong babaing hindi kailanman napagtapatan ng pag-ibig ng lalaking may gusto din naman sa kanya.


Isang tanong, isang sagot
Wala na ngang ikot-ikot
Gusto ko lang liwanagin
Ako ba ay mahal mo rin?

Nakita ko sa kilos mo
Na may tibok rin ang puso
Wala ka lang sinasabi
Bitin tuloy ako

Ang hirap na man ng lagay ko
Di puwedeng mauna sa iyo
Kailan ko ba maririnig
N'akin ang iyong pag-ibibg?

REFRAIN:
Isang tanong isang sagot lang ang akin
Ako ba ang nilalaman ng iyong damdamin?
Kapag inaming mong ako'y mahal mo...oh...oh..
Hanggagng langit ang lundag ko

Isang tanong isang sagot lang ang akin
Ako ba ang nilalaman ng iyong damdamin?
Kapag inaming mong ako'y mahal mo...oh...oh..
Hanggagng langit ang lundag ko

Bawat araw na magising
Pag-ibig ko'y lumalalim
Hangga't hindi mo tapatin
Lalong nabibitin

Sa lambing na napapansin
At lagkit ng iyong tingin
Ano pa bang iisipin
Sa ibig sabihin?

Tapusin mo na nga ang pag-ikot
Ng isipan at puso ko
Ngayon sana ay marining
N'akin ang iyong pag-ibig

REFRAIN:
Isang tanong isang sagot lang ang akin
Ako ba ang nilalaman ng iyong damdamin?
Kapag inaming mong ako'y mahal mo...oh...oh..
Hanggagng langit ang lundag ko

Isang tanong isang sagot lang ang akin
Ako ba ang nilalaman ng iyong damdamin?
Kapag inaming mong ako'y mahal mo...oh...oh..
Hanggagng langit ang lundag ko

Oohoooh...

Isang tanong isang sagot talaga ang akin
Ako ba ang mahal ng puso at damdamin
Sige na aminin mong ako'y mahal mo...oh..oh..
At hanggang langit lundag ng puso ko


 


Pebrero 10, 2010 (Miyerkules): Leah Navarro- Ligaw Tingin


 



Hay tumitingin lang siya pag di ka nakatingin, ano naman kaya iyon? Saan kaya hahantong ang ganun?


 


Boy, mga sulyap mo'y malambing


Datapuwa't walang mangyayari sa ligaw-tingin


Boy, gusto mo ba akong yakapin Little boy, halika't subukin


Ibig kong ang buong puso mo'y maging akin


Chrous:


Ligaw-tingin, lagi ka lang ligaw-tingin


Kumilos ka nang mayrong marating


Ligaw-tingin, halika sa aking piling


Kailangan kong ikaw ay maangkin


Boy, pag-ibig ko'y iyong-iyo


Little boy, nasasabik ako


Bilisan baka magbago pa ang isip ko


Sha ba da, pa pa rap pa ra ....


Sha ba da, pa pa rap pa ra ....


Sha ba da, pa pa rap pa ra ....


(Repeat Chorus)

(Repeat II)


Sha ba da, pa pa rap pa ra ....

Sha ba da, pa pa rap pa ra ....

Sha ba da, pa pa rap pa ra ....


(Repeat Coda, fade)


 


Pebrero 11, 2010 (Huwebes): Hotdog - Bitin Sa Iyo


 



Tapos ayun, hindi pa tayo pinapansin kapag may ibang kasama...


 


Ang laking malas ko naman


Sa iyo pa ako nagkagusto


Lagi na lang pinagtataguan


Lagi na lang niloloko


Chorus:


Lagi na lang ako'y bitin sa 'yo


Bitin na bitin sa 'yo


Ang laking bobo ko naman


Sa iyo pa ako nagkagusto


Ayaw man lang makipaghawakan


Ayaw kasing magpabisto


(Repeat Chorus)


Masama pang malaman mong


Patay ako sa 'yo


Ulo mo'y lumobo


Parang ilong mo


(Repeat Chorus)

(Repeat Chorus except last word)


... 'yo


Sa 'yo, sa 'yo


 


Pebrero 12, 2010 (Biyernes): Sitti Navarro - Para sa Akin


 



Hindi din naman natin siya mapilit kung ayaw niya talaga. Aasa na lang tayo na magbago isip niya.


 



Kung ika’y magiging akin
Di ka na muling luluha pa
Pangakong di ka lolokohin
Ng puso kong nagmamahal


Kung ako ay papalarin
Na ako’y iyong mahal na rin
Pangakong ikaw lang ang iibigin
Magpakailanman


[chorus]
Di kita pipilitin
Sundin mo pang iyong damdamin
Hayaan nalang tumibok ang puso mo
Para sa akin


Kung ako ay mamalasin
At mayron ka nang ibang mahal
Ngunit patuloy ang aking pagibig
Magpakailanman


[repeat chorus]


Kung ako ay papalarin
Na ako’y iyong mahal na rin
Pangakong ikaw lang ang iibigin
Magpakailanman


[repeat chorus 2x]


Para sa akin


 


Pebrero 13, 2010 (Sabado): Jolina Magdangal - Bahala Na


 



Ang "Bahala Na" ay galing sa  "Bathala na". Likas na madasalin ang mga Pinoy at ipinapaubawa sa Diyos ang halos lahat ng bagay...pati din ang pag-ibig? Haayyy...


 


Mahirap umasa sa isang tingin
Mahirap mangarap sa isang ngiti
May namumuro ba sa atin
Likha ba ng isip o ng damdamin
Ayoko nang isipin pa
Baka maduling lang ang aking mata

* Bahala na, bahala na, bahala na
Bahala na ang pusong maghusga
Bahala na, bahala na, na na na...
Bahala na ang pusong maghusga

Mahirap umasa sa mga rosas
Mahirap mangarap sa dilang nadulas
Sana'y hindi na magtagal
Mga chismis nila at mga daldal
Kailan ka pa ba kakanta, la la la...
Misteryosong rosas ko ay nalalanta *

Bahala na...

DI ko lang masabi
Di ko lang maamin
Ang puso ko'y nalulumbay
Kung ika'y natotorpe
Di makadiskarte
Ako nama'y nalulumbay... hay... *

Na na na... bahala na, na na na...

Mahirap umasa sa isang tingin
Mahirap mangarap sa isang tingin...


 


 


 


Sa isang linggo na ang araw ng mga puso! Abangan ang isa na namang aspekto ng pag-ibig na  Pinoy na Pinoy!


 


 


SOURCES:


Alegre, Edilberto. "Love, Courtship and Culture", Seasite, <http://www.seasite.niu.edu/tagalog.htm>, (Date  Accessed: August 25, 2008).


Pop Girls Album, Pinoy Pop Record Label, Distributed by Viva Records Corporation, 2009.


http://www.youtube.com/watch?v=EKi1lOWgcRs


http://www.lyricsdownload.com/donna-cruz-isang-tanong-isang-sagot-lyrics.html


http://www.opmtunes.com/songs/n/navarro-leah-ligaw-tingin.html


http://www.opmtunes.com/songs/h/hotdog-bitin-sa-iyo.html


http://lyrics.rebelpixel.com/2006/06/para-sa-akin/


http://www.lyricsdownload.com/jolina-magdangal-bahala-na-lyrics.html


 


Pictures from:


http://mdaras.com/pma/wp-content/uploads/valentines-day.jpg


http://farm4.static.flickr.com/3143/2968385466_7d136d319a.jpg


http://2.bp.blogspot.com/_ZW0IF4CQIhU/Sshm6iqhxBI/AAAAAAAABGo/PEqiE7oNQk/s320/Pretty+Filipina+Pinay.jpg


http://comps.fotosearch.com/comp/GLW/GLW110/boy-girl-dancing_~gwil11107.jpg


http://ezirk.com/sitebuildercontent/sitebuilderpictures/.pond/girl-with-cellphone.jpg.w180h179.jpg


http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/80/Cassatt_Mary_Young_Girl_Reading_1908.jpg


http://1.bp.blogspot.com/_4fsKP--j550/SEMzzfEaIhI/AAAAAAAAAw4/5TKWwWHOsl/s320/08_0602_LigawTingin.JPG


http://www.istockphoto.com/file_thumbview_approve/1986845/2/istockphoto_1986845-love-triangle.jpg


http://img.youtube.com/vi/EUTXJVo7__A/0.jpg


http://epc.buffalo.edu/authors/bee/images/Girl_by_the_Window.72dpi.jpg


 


 


.


 


 



 


 









 






 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 


 

Category:

Post a Comment

[facebook][blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Theme images by graphixel. Powered by Blogger.