Kasalang Pinoy Love Songs: Valentine Special

Pasensiya na po at medyo nahuli ang aking pagsusulat tungkol sa huling yugto ng artikulong ito. Nagkaroon lang ng kaunitng problema sa aming server. Pero narito na at aking ipagpapatuloy ang huling yugto ng espesyal na handog na ito.

 Mahirap mapasagot ng OO ang isang Pilipinang babae sapagkat sila ay natural na magpapakipot para matanto ang tunay na intensyon ng lalaki sa kanila. Kahit ang pamilya ng babae ay kikilatisin ng mabuti ang katauhan ng lalaki kaya abot langit ang nararamdaman ng isang tipikal na binatang Pilipino kapag sa wakas ay kanyang narinig ang matamis na oo ng isang dalagang matagal niya nang ginigiliw.

Pagkatapos mapa-oo ng lalaki  ang kanyang sinisinta, tutuloy na ito sa pamamanhikan. Ang lalaki at ang mga magulang nito ay papanik sa bahay ng babae upang hingin mula sa mga magulang ng babae ang bendisyon na magka-ugnayan ang dalawang pamilya sa pamamagitan ng pagpapakasal ng kanilang mga anak sa isa't-isa.

 Para sa huling linggo na buwan ng pag-ibig, ito ang mga awiting maari ding gamitin sa inyong kasal balang araw.

Pebrero 21, 2010: (Linggo): The Boyfriends - Sumayaw, Sumunod

 Ang pagka-abang-abang sa isang Pilipinong kasal ay ang sayaw ng bagong mag-asawa. Kung ito ba ay magiging mabilis na awitin, mabagal, moderno o makaluma. Ang pinakamahalaga naman ay ang malaman ng magkapareha ang pagkapareho ng pagsasayaw sa pag-aasawa. Dapat ay parati silang magkasabay na gumalaw para maganda ang kahinatnan ng kanilang pagsasama.


Ang kasiyahan ng tunay na pagmamahalan
Ay mararamdaman lalo na't kung nagsasayawan
Awiting bago ay naghihintay para isayaw mo 
(awiting bago ay naghihintay upang isayaw mo)

CHORUS:
Sumayaw, sumunod ka saking takdang panahon
kasabay ng mga bagong tugtugin ngayon
Sumayaw, sumunod ka saking takdang panahon,
Makisama, mag-enjoy ka, ngayon

Verse:
Panahon natin ay nag-iiba kaya't sundin,
Masasayang awitin nararapat nang tangkilikin,
Awiting bago ay naghihintay para isayaw mo 
(awiting bago ay naghihintay upang isayaw mo)

(repeat Chorus and 2nd stanza)
(repeat Chorus except last word)

...ngayon

CODA: (Fade)
Sumayaw, sumunod ka sa'king takdang panahon
Kasabay ng mga bagong tugtugin ngayon

(repeat)

Pebrero 22, 2010 (Lunes): VST and Co. - Disco Fever

Ang tinikling ay isang sayaw na nagpapahiwatig na sa lahat ng pagkakataon, dapat hindi magpadaig ang magkapareha sa mga pagsubok na darating. Ang mga pagsubok na ito ay naisasadula sa panganib na nakaabang sa maipit ang paa ng isa sa kanila o ng dalawa. Dapat maiwasan nila ito ng magkasabay.

Pag nagsasayaw
parang pagmamahal
lalong nagiinit
habang nagtatagal

Ang pagsayaw
katulad ng pag ibig natin
kailangan itong pagbutihin
at ating dibdibin
bawat hakbang

Disco Fever
Tumaas pa sa himig natin
sa pagsayaw ay higpitan
ang pag-ibig palabasin
hanggang mahibang

Disco Fever
Tumaas pa sa himig natin
sa pagsayaw ay ibigay
ang pag-ibig palabasin
hanggang mahibang

Disco Fever
Disco Disco Fever
Disco Fever

Pag nagsasayaw
parang pagmamahal
lalong nagiinit
habang nagtatagal

Ang pagsasayaw
katulad ng pag ibig natin
kailangan itong pagbutihin
at ating dibdibin
bawat hakbang

Disco Fever
Tumaas pa sa himig natin
sa pagsayaw ay higpitan
ang pag-ibig palabasin
hanggang mahibang

Disco Fever
Tumaas pa sa himig natin
sa pagsayaw ay higpitan
ang pag-ibig palabasin
hanggang mahibang

Disco Fever
Disco Disco Fever
Disco Fever

Pebrero 23, 2010 (Martes):  Richard Reynoso - Ale Nasa Langit na ba Ako?

Mapa-oo nga lang ang iyong minamahal, langit na langit na...

Isang araw, nagmamaneho sa Cubao
Aking nakita, babaeng saksakan ng ganda

Sinundan ko ang kotseng sinasakyan nya
Hindi ko nakitang may dumarating pala
Hindi ko naiwasan, kami biglang nagkabangaan

Nung magkamalay ay nasa ospital na ako
Inasikaso ng doktor na pili ng nanay ko

Biglang-bigla na lang, ang nurse andyan na
At para ?kong nakita anghel sa ganda
Kahit nagdedeliryo, itong nasabi ko sa kanya

[Chorus]
Ale, nasa langit na ba ako?
Mama, kayo po ba si San Pedro?
Ok lang sa akin kung ako?y dedbol na
Basta?t ikaw ang lagi kong kasama
[ Richard Reynoso Lyrics are found on www.getlyrics.com ] 
Kaya ale, nasa langit na nga ako

At paglabas ko, niyaya ko na syang pakasal
Tinanggihan nya, at ang sabi may asawa na sya

Dinamdam kong masyado?ng sinabi nya
Hindi ko nakita, hagdan ubos na
Ako ay nahulog, sa semento ulo ko?y nauntog

Nang magkamalay ay naroon na naman ako
Inasikaso ng duktor na pili ng utol ko

Biglang-bigla na lang, ang bagong nurse nandyan na
Tinanong ko muna sya kung may asawa na sya
Ang sabi nya'y wala, ang puso ko?y biglang natuwa
At nasabi ko'y

[Repeat Chorus]

Pebrero 24, 2010 (Miyerkules): Cinderella - T.L. Ako Sa Iyo

Kahit ano pa sabihin ng iba, basta mahal mo ang isang tao walang makakapagpigil sa inyong masayang pagsasama.

Verse I 

Ewan ko ba kung bakit type kita 
'Di ka naman 

guwapo 
Kahit malabo ang pagpili ko 
T.L. ako sa 'yo 

Panay kantiyaw ng mga utol ko 
Dehins ka daw 

bagay sa kagandahan ko 
Malabo na ba raw ang mata ko 
At na-T.L. kita 

Verse III 

Kalyeng 

liku-liko ang takbo ng isip ko 
Sabi ng lolo may toyo ang utak ko 
Sabi ng lola ay humanap ng iba 
May 

porma't mayaman, T.L. wala naman 

Repeat verse I, III & I

Pebrero 25, 2010 (Huwebes): Hotdog - Langit Na Naman

O, kay tamis namang sariwain ang lahat...umpisa sa unang pagtititigan hangga't sa pagpapakasal.

Wala nang iba para sa akin
maging sa panaginip ikaw ang nais makapiling
di pagpapalit kahit kay rio locsin
wala nang iba para sa akin

Hindi sasaya kung wala ka
umaga’t gabi, ikaw ang nais makapiling
sa iba babae di titingin
wala nang iba para sa akin

[chorus]
Pag naisip ka (langit na naman)
maamoy ka lang (langit na naman)
sa bawat halik (langit na naman)
pag kapiling ka (langit na naman)

Wala nang iba para sa akin
sa hirap at gutom ikaw ang nais makapiling
wala na akong ibang nanaisin
wala nang iba para sa kin
ito ay aking uulit-ulitin
wala nang iba para sa akin

[chorus]
Pag naisip ka (langit na naman)
maamoy ka lang (langit na naman)
sa bawat halik (langit na naman)
pag kapiling ka (langit na naman)

Pebrero 26, 2010 (Biyernes): APO Hiking Society - Panalangin

Kahit sinong umiibig ay ipapanalanging hindi magtapos ang kasiyahan niya kapiling ang kanyang minamahal.

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

Pebrero 27, 2010 (Sabado): Haji Alejandro - May Minamahal

Hay, pag mahal mo nga naman ang isang tao at masaya ka dito, gugustuhin mong buong mundo ay maranasan ang kasiyahang iyong tinatamasa sa piling niya.

May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa’t isa ng
pag-ibig
At ngayo’y nagmamahalan
ng tapat

‘Pag nagmamahal
Bawat sandaling kasiping
ka’y anong bilis
Bawat oras ay mayro’ng
Kasaysayang anong sarap
Anong tamis
Maligaya nga ang taong
nagmamahal

Coda:
Kaya ako’y napaligaya
Ng tunay na pagmamahal
Ang lahat ng katangian ay
sa’yo
Ningning ng mata, lambot
ng labi
At ugaling walang
kapintasan
Nababalot ng alindog,
katawang tunay

‘Pag minamahal
Kulay rosas ang paligid ko
Sa tuwi-tuwina nakayakap
sa ulap
Buong mundo’y nagagalak
Na mayroong nagtatalik na
dal’wang
Pusong nagmamahal

Kaya’t tayo’y magpasalamat
Sa ating kapalaran
Nasa ating kapalaran
Nasa atin ang kaganapang
hinahanap
Ng bawat nilalang na may
puso rin
Dahil tayo’y hindi
magbabago
Hanggang may buhay

Napunta na rin tayo sa katapusan ng ating espesyal na artikulo. Hay, tunay nga kay sayang umibig. Hanggangn sa muli!
Category:

Post a Comment

[facebook][blogger]

Contact Form

Name

Email *

Message *

Theme images by graphixel. Powered by Blogger.